METRO MANILA, Philippines — Pinaalahanan ni Sen. Sherwin Gatchalian nitóng Linggó ang National Telecommunications Commission (NTC) na ayusin ang pagpapatupád ng SIM Registration Law.
Aniya, dahil sa hindí ganáp na naipapatupád ang batás, nakakagawâ pa rin ng paraán para magamit ang SIM sa mga panlolokoó ng mga Philippine offshore gaming operator (POGO).
Dagdág pa ni Gatchalian, ang layunin ng batás ay matukoy at mapanagót ang mga nanloloko gamit ang SIM.
Pinuná ng senador na doón sa mga sinalakay na POGO hub ay nadiskubre ang bulto-bultong SIM ma ginagamit sa love scam crypto currency scam, investment scam, at iba pang panloloko.
Kabilang ang napakaraming mga SIM sa mga nasamsám sa Smartweb Technology Inc. sa Pasay City, Zun Yuang Technology sa Bamban, Tarlac, at Lucky South 99 sa Porac, Pampanga.
Idiniín ni Gatchalian na hindí dapat patumpik-tumpík lamang ang pagpapatupád ng SIM Registration Act katuwang ang mga knmpanya ng telekomunikasyón.