P23-B para sa Senate building? Malî yan – Sen. Nancy Binay

PHOTO: Nancy Binay STORY: P23-B para sa Senate building? Malî yan - Sen. Nancy Binay
Sen. Nancy Binay (File photo mulâ sa Senate Public Relations and Information Bureau)

METRO MANILA, Philippines — Isáng misteryo para kay Sen. Nancy Binay kung saan hinugot niná Senate President Francis “Chiz” Escudero at Sen. Alan Peter Cayetano ang binabanggit ng mga ito na P23 bilyón ang gastós sa pagpapagawâ ng New Senate Building sa Taguig City.

“Unang-una mali yung 23 [billion]. Saan galing yang 23? Yan ang gusto ko itanong kay Senator Alan — kung saan mo ba nakuha yang 23,” ani Binay sa isang panayám sa radyo nitóng Biyernes.

Si Binay, bilang dating chair ng Senate Committee on Accounts, ang nangasiwà sa konstruksyón noóng gusalì bago siyá nagbitíw noóng nakaraáng buwán.

BASAHIN: Baká lumobo gastos sa tigil-trabaho sa Senate building – Binay

BASAHIN: DPWH ang nakaantalà sa bagong gusalì ng Senado – Cayetano

Si Cayetano na ngayón ang namumunò ng naturang komité.

Noóng Lunes inanunsiyo ni Escudero ang pagsuspindí niya sa paggawâ sa naturang gusalì dahil sa lumulobong kakailaganing pondo.

Read more...