DPWH ang nakaantalà sa bagong gusalì ng Senado – Cayetano

By Jan Escosio June 13, 2024 - 06:30 PM

PHOTO: DPWH building STORY: DPWH ang nakaantalà sa bagong gusalì ng Senado – Cayetano
Larawan mulâ sa Facebook page ng Department of Public Works and Highways

METRO MANILA, Philippines — Tinukoy ni Sen. Alan Peter Cayetano ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagkakaantalà sa konstruksyon ng bagong Senate building sa Taguig City.

Sinabi ni Cayetano kahapong Miyerkulés na sumulat na siyá kay Senate President Francis “Chiz” Escudero at binanggít na simulâ pa lang ng proyekto ay nagkaroón na ng mga pagbabago sa naaprubaháng plano.

Ang DPWH ang project manager ng ginagawang gusalì ng Senado.

BASAHIN: Baká lumobo gastos sa tigil-trabaho sa Senate building – Binay

BASAHIN: Tigil muna konstruksyón ng bagong Senate building – Escudero

Ipinagtaká ni Cayetano na pinayagan ang mga pagbabago gayúng ang pagpapatayô ay isáng “design and build” na proyekto.

Ipinaliwanag niyá na nangangahulugán na nabigô ang DPWH na sumunód sa “terms of reference” ng proyekto.

Bukód pa dito, napuná ng Senate Coordination Committee na may mga binilí na ang DPWH na hindí pa kailangan sa proyekto.

Nalaman din na bumagal ang paggawâ dahil sa kawalán ng koordinasyón sa loób mismo ng DPWH ukol sa mga dokumento kayát humingî ng palugit ang contractor.

TAGS: Department of Public Works and Highways, new Senate building, Department of Public Works and Highways, new Senate building

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.