DMW minamadalî ang pag-uwî ng 3 nasawíng OFW sa Kuwait fire

PHOTO: Facade of the Department of Migrant Workers STORY: DMW minamadalî ang pag-uwî ng 3 nasawíng OFW sa Kuwait fire
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Inaasikaso na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang agarang pagpapa-uwî sa mga labî ng tatlóng overseas Filipino worker (OFW) na kabilang sa mga nasawî sa sunog sa isáng residential building sa Kuwait.

Nakikipag-ugnayan na ang DMW sa gobyerno ng Kuwait para sa kakailanganíng mga dokumento para maiuwî na sa Pilipinas ang mga labî ng tatlóng Filipino, ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac

Ibinahagì din niyá ang planong pagbisita sa dalawa pang Filipino na kasalukuyang nasa intensive care unit (ICU) ng isáng ospitál sa Kuwait.

BASAHIN: 11 na OFW apektado sa nasunog na gusalì sa Kuwait

Gayundin, pinoproseso na ang mga papeles ng anim pang biktimang Filipino para makauwî na silá ng Pilipinas.

Tiniyá rin ni Cacdac na ibibigay ng DMW ang lahát ng tulong-pinansiyál sa mga biktima ng naturang sunog.

Read more...