Davao PRO chief sibák matapos ng arrest operation kay Quiboloy

PHOTO: Davao Police Regional Office HQ STORY: Davao PRO chief sibák matapos ng arrest operation kay Quiboloy
Itó ang headquarters ng Davao Police Regional Office (PRO 11) sa Davao City. —Larawan mulâ sa Facebook page ng PRO 11

METRO MANILA, Philippines — Apat na araw matapos salakayín ng mga pulis ang Kingdom of Jesus Christ (KJC) Compound sa Davao City para arestuhin si Pastor Apollo Quiboloy, tinanggál sa puwesto si Brig. Gen. Aligre Martinez bilang director ng Davao Police Regional Office (PRO 11).

Itó ay kinumpirma sa INQUIRER.net ng hepe ng PRO 11-Public Information Office na si Maj. Catherine Dela Rey.

Inilipát si Martinez sa Directorate for Personnel and Records Management, gayundín sina Brig. Gen. Ronald Lee at Col. Edwin Portento.

BASAHIN:Latest police attempt to arrest Quiboloy fails

Pinalitán si Martinez ni Brig. Gen. Nicolas Torre III, na nagmulâ sa PNP Communications and Electronics Service.

Samantalang kapalit naman ni Lee bilang director ng Directorate for Operations si Brig. Gen. Nicolas Salvador, na mulâ sa Directorate for Plans.

Uupo sa iniwang puwesto ni Salvador si Brig. Gen. Lex Ephraim Gurat, na nagmulá naman sa National Capital Region Police Office.

Samantala, inilipát sa National Police Training Institute si Brig. Gen. John Chua mula sa Area Police Commander – Visayas.

Read more...