Escudero sa video nilá ng first lady: Nagpaka-maginoó lang

By Jan Escosio June 13, 2024 - 06:09 PM

PHOTO: Francis Escudero and First Lady Liza Araneta-Marcos in Malacañang STORY: Escudero sa video nilá ng first lady: Nagpaka-maginoó lang
Nagíng usapan itong eksena na itó sa Vin d’Honneur sa Malacañang kahapong ika-12 ng Hunyo 2024. Sa isáng video sa social media, pinuná ng mga netizens ang pag-sip daw sa baso ng wine ni Senate President Francis Escudero si First Lady Liza Araneta-Marcos —Larawan mulâ sa RTV Malacañang

METRO MANILA, Philippines — Nagpaliwanag nitóng Huwebes si Senate President Francis “Chiz” Escudero ukol sa isang bahagi ng pagtitipon sa Malacañang Palace kahapong Miyerkulés.

Kumalat sa social media ang isáng video nang pagtatagpô nilá ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa Vin d’ Honneur kasabáy nang paggunitâ ng ika-126 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

Sinabi ni Escudero na naging maginoó lamang siyá – isang lalaking inasikaso lang ang isang babae.

BASAHIN: First Lady Liza Marcos sips from Escudero’s wine glass at Vin d’Honneur 

BASAHIN: Kalayaan nakikita sa pagharáp sa araw-araw na hamon – Marcos

“Maaring sabihin ng ibá na makalumà o parang “under,” pero para sa akin, hindí kailanmán magiging makalumà o di uso — anumán ang itawag ng ibá — ang pagiging maginoó at pakikipag-kapwa tao,” ang tugon ni Escudero ng hingián ng Senate media ng reaksyon sa pangyayari.

Sa video, mapapanood na kinuha ng Unang Ginang ang hawak na wine glass ni Escudero, sandaling ininom ang lamán, bago isinoli ang wine glass sa senador.

Umani at patuloy na inuulán ng magkakaibáng puná, reaksyón, at opinyón ang pangyayari mulâ sa netizens.

TAGS: Francis Escudero, Liza Araneta-Marcos, Malacañang Vin d’Honneur, Francis Escudero, Liza Araneta-Marcos, Malacañang Vin d’Honneur

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.