Cash aid para sa mga buntís, nagpapasuso nilinaw ng DSWD

By Jan Escosio June 13, 2024 - 03:35 PM

PHOTO: DSWD workers in background with DSWD logo superimposed STORY: Cash aid para sa mga buntís, nagpapasuso nilinaw ng DSWD
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Hanggáng sa unang 1,000 araw lamang ang ibibigáy na ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga buntís, nagpapasuso, at may dalawáng taóng gulang na anák.

Nilinaw itó ni Social Welfare Sec. Rex Gatchalian nitóng Huwebes.

Ayon sa kanyá, layunin ng bagóng insentibo na mahikayat ang mga buntís at nagpapasuso na samantalahín din ang mga serbisyong pangkalusugan, at nang sa ganoóng paraan matugunán ang problema sa malnutrisyón at hindi pagtangkad ng mga batâ.

BASAHIN: Nagreklamo sa kapos na TUPAD aid inimbitahan ni Mayor Francis Zamora

BASAHIN: Automatic adjustments sa 4Ps na ayuda pinag-aaralan ng DSWD

Inatasan daw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. and DSWD na palawakin pa ang pagtulong sa mga buntíss at nagpapasuso, lalo na ang mga nasa laylayan ng lipunan, base na rin sa kaniláng rekomendasyón.

Nilinaw din ni Gatchalian na ang ayuda ay pansamantalá at hanggáng sa unang 1,000 araw lamang o halos tatlóng taón.

Inatasan na ni Marcos ang DSWD na makipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno, partikular na sa National Economic and Development Authority (NEDA) at Philippine Statistics Authority (PSA), para mas mapagbuti ang pagpapatupád ng bagong programa sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

TAGS: breastfeeding women, DSWD cash aid, pregnant women, breastfeeding women, DSWD cash aid, pregnant women

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.