Suspensyón ng Davao del Norte governor dinugtungán ng Palasyo

By Jan Escosio June 13, 2024 - 04:28 PM

PHOTO: Davao del Norte provincial capitol STORY: Suspensyón ng Davao del Norte governor dinugtungán ng Palasyo
May mga taga-suporta si Davao del Norte Gov. Edwin Jubahib na nagkabit ng mga banner sa labas ng kapitolyo ng lalawigan noóng ika-12 ng Abril 2024 noóng pinatupád ang una niyáng suspensyón ng 60 araw. —File photo mula sa INQUIRER.net na kuha ni Ruel Dagsangan

METRO MANILA, Philippines — Tatlóng araw bago siyá dapat bumalík sa puwestó, sinuspindí ulít ng Malacañang ng 30 araw pa si Davao del Norte Gov. Edwin Jubahib.

Si Jubahib mismo ang nag-pahayág kamakailán ng bagong utos ng Malacañang.

Ipinaliwanag niyá na dapat ay noóng nakaraang Lunes, ika-10 ng Hunyo siyá dapat bumalík sa kanyáng opisina matapos ang 60 araw na suspensyón, ngunit noong Biyernes, ika-7 ng Hunyo, ibinabâ ng Malacañang ang bagong order.

BASAHIN: Bohol governor, 68 pang ibá sa Chocolate Hills issue suspendido

BASAHIN: Bamban Mayor Alice Guo inapilá ang kanyáng suspensyón

Ang basehan ng suspensyón ay ang diumano’y pagsuporta ng gobernador sa kilos-protesta laban sa Northern Davao Electric Cooperative (NorDeCo).

Inamin ni Jubahib na tutol siyá sa NorDeCo dahil sa mababang kalidád ng serbisyo nitó at madalás na pagkawalâ ng kuryente sa lalawigan.

Aniya hamón sa kanyá ang bagong suspensyón dahil pinanindigán at ipinaglaban niyá ang karapatán ng kanyáng mga kababayan.

TAGS: Edwin Jubahib, Northern Davao Electric Cooperative, suspended governor, Edwin Jubahib, Northern Davao Electric Cooperative, suspended governor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.