Suspensyón inapelá ni Bohol Gov. Erico Aumentado sa Ombudsman

PHOTO: Captain’s Peak Garden and Resort, Chocolate HIlls, Bohol STORY: Suspensyón inapelá ni Bohol Gov. Erico Aumentado sa Ombudsman
Ang Captain’s Peak Garden and Resort sa Chocolate Hills sa Bohol. —File photo na kuha ni Leo Udtohan, Inquirer Visayas

METRO MANILA, Philippines — Naghain ng mosyón sa Office of the Ombudsman si suspended Bohol Gov. Erico Aristotle Aumentado para bawiin ang kanyáng suspensyón.

Sa kanyáng motion for reconsideration, sinabi ni Aumentado na nasorpresa siyá sa ipinataw sa kanyáng anim na buwán na suspensyón dahil sa nabunyág na pagkakatayô ng Captain’s Peak Garcen and Resort sa bahagì ng Chocolate Hills sa bayan ng Sagbayan.

Ang suspensyón sa kanyá at sa 68 pang mga opisyál ay base sa mga alegasyón ng grave misconduct, gross neglect of duty, at conduct prejudicial to the best interest of service.

BASAHIN: Bohol governor, 68 pang ibá sa Chocolate Hills issue suspendido

Mariín niyáng itinanggí na may nalalaman siyá sa pagpapatayô ng naturang resort sa katuwiran na itinayô itó noóng 2018, kung kailán siyá pa ang kinatawán sa Kamara ng ikalawang distrito ng lalawigan.

Nahalál siya bilang gobernadór noon lamang 2022.

Hindí rin aniya siya naimbitahán sa Protected Area Management Board (PAMB) noong Hulyo 2022 kung kailán namán inaprubahán ang resolusyón na nag-endorso para sa pagsasaayós ng Captain’s Peak Resort.

Nabanggít din sa kanyáng mosyoó na mahinà ang ebidensya para siyá ay mapatawan ng preventive suspension.

Read more...