METRO MANILA, Philippines — Napakaliít ng posibilidád na magíng bagyó ang low pressure area (LPA) na malapit sa Mindanao, ayon sa bulletin nitóng Martes ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Ayon kay weather forecaster Rhea Torres, maaari din malusaw ngayóng araw ang LPA.
Aniya ang LPA ay huling namataan sa distansiyang 145 km sa kanluran-hilagang kanluran ng Butuan City sa Agusan del Norte.
BASAHIN: El Niño idineklará ng Pagasa na tapós na sa Pilipinas
BASAHIN: Posibleng mas mapinsalà pa ang La Niña kaysa El Niño – DA
Sinabí din ni Torres na dahil sa LPA maaaring magíng makulimlím at umulán sa iláng bahagì ng Visayas at Mindanao.
Tinukoy niyá maaaring ulaín ang rehiyón ng Eastern Visayas at ang mga probinsya ng Dinagat Islands, Surigao del Norte, at Agusan del Norte.