P13.5-M na halagá ng Ecstasy, ketamine nasabát ng BOC sa NAIA

PHOTO: Bureau of Customs logo with boxes in warehouse as background STORY: P13.5-M na halagá ng Ecstasy, ketamine nasabát ng BOC sa NAIA
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Kinumpiská ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport  ang may P13.54 na milyong halagá ng ng mga droga sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City noóng Biyernes, ika-7 ng Hunyo.

Idineklaráng naglalamán ng mga delata at prutas ang parcel na nagmulâ sa Denmark, ayon sa pahayág ng BOC nitóng Sabado, ika-8 ng Hunyo.
Ang parcel ay naka-pangalan sa isang residente ng Taguig City.

BASAHIN: Barangay kagawad, 3 pa timbog sa P68.3-M halaga na Ecstasy

Isinailalim sa field testing ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang parcel at nadiskubré na naglalamán ito ng 5,033 na piraso ng Ecstasy tablets at 998 gramo ng ketamine.

Mahaharáp ang consignee sa mga kasong paglabág sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Customs Modernization at sa  Tariff Act.

Read more...