METRO MANILA, Philippines — Higít sa P9 na bilyong ang halagá ng ibat-ibáng uri ng ilegál na droga ang winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong nakaraáng Miyerkulés, ika-5 ng Hunyo, sa Trece Martires City, Cavite.
Ayon sa PDEA, may kabuuáng 2,435 kg ng mga droga na winasak sa pamamagitan ng thermolysis o thermal decomposition sa isang waste management facility.
Ang bulto ng winasak na droga ay 1,293 kg ng shabu, kasama na ritó ang P1.4 na bilyong halagá na nasamsam sa isang checkpoint operation sa Barangay Pinagkurusan sa Alitagtag, Batangas noong nakaraáng Abril.
May 720 kg din ng marijuana at 359 kg ng ephedrine ang winasak.
BASAHIN: P4.51B halaga ng ibat-ibang droga winasak ng PDEA
BASAHIN: Halos P20-B halaga ng droga sinunog ng PDEA
Naiprisinta na raw ang mga droga biláng ebidensya sa mga korte kayat minabuting wasakin na.
Ang pagwasak ay sinaksihán ng mga kinatawán mula sa Department of Justice (DOJ), Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine National. Police (PNP), at mga lokál na opisyál.