Sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang may 3.7 tonelada ng ibat-ibang uri ng droga sa isang pasilidad sa Trece Martires City.
Ayon sa PDEA ang may P20 bilyong halaga ng mga winasak na droga ang pinakamadami sa kasaysayan ng ahensiya.
Kabilang sa sinunog ang 2.7 tonelada ng shabu, higit 300 kilo ng marijuana, 407 gramo ng cocaine at 340 gramo ng ecstasy.
“Through thermal decomposition or thermolysis, the pieces of drug evidence were destroyed which involves breaking down chemical compounds with the use of tremendous heat. At 1,000 degrees centigrade, all dangerous drugs are totally decomposed or broken down,’’ ayon sa PDEA.
Ang mgha droga ay nakumpiska sa mga operasyon ng PDEA at ibang ahensiya ng gobyerno.
Ang pagsunog sa mga droga ay nasaksihan ng mga kinatawan mula sa Department of Justice (DOJ), Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP) at ng mga lokal na opisyal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.