Baká magka-vog dahil sa Taal Volcano ‘degassing’ – Phivolcs

PHOTO: Ito ay IP camera footage ng phreatic eruption sa Taal main crater na nakuhanan ng litrato mula sa Buco (VTBC) observation station mula 8:26 a.m. hanggang 8:34 a.m., nitong Miyerkules, ika-4 ng May 2024. STORY: Baká magka-vog dahil sa Taal Volcano ‘degassing’ – Phivolcs
Ito ay IP camera footage ng phreatic eruption sa Taal main crater na nakuhanan ng litrato mula sa Buco (VTBC) observation station mula 8:26 a.m. hanggang 8:34 a.m., nitong Miyerkules, ika-4 ng May 2024. (Photo from the Facebook page of Phivolcs)

METRO MANILA, Philippines —  Tumitindí ang “degassing” ng Taal Volcano kayát maaaring maging sanhí ito ng pagkalat ng vog sa mga malalapit na lugár, ayon sa bulletin na inilabás nitóng Huwebes ng gabí ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ang “vog” ay hango sa mga salitáng “volcanic” at “smog,”

Ayon sa bulletin, umakyát sa 11,072 tonelada na ang ibinubugáng sulfur dioxide ng bulkán.

Itó ay higít sa average na 8,294 tonelada kada araw na naitalâ ngayóng taón.

BASAHIN: Phivolcs nagtalâ ng 4 na phreatic eruptions ng Taal Volcano

BASAHIN: Taal Volcano muling nagkaroon ng ‘phreatic eruption’

Nagkaroón na ng paglabò ng kapaligirán ng bulkán sa mga bayan ng Alitagtag, Tingloy, San Nicolas, Laurel, Taysan, Lobo, Batangas City, Agoncillo, Lemery, Taal, Santa Teresita, Alitagtag, Cuenca, Lipa, Balete, at Malvar.

Nag-pahayág din ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na maaaring huminà ang ihip ng hangin kayaát maaaring maipon ang sulfur dioxide sa paligid ng Taal Volcano.

Ang sulfur dioxide ay maaaring makairitá sa lalamunan, mga matá, at ilóng, ayon sa mga health experts.

Read more...