Phivolcs nagtalâ ng 4 na phreatic eruptions ng Taal Volcano

By Jan Escosio May 10, 2024 - 01:08 PM

PHOTO: Taal Volcano phreatic event
Itong larawan na ito ay kuha sa IP camera footage ng Phivolcs ng phreatic event sa Taal Main Crater Lake. Ang kuha ay mula sa Main Crater (VTMC) observation station. (Photo from Phivolcs footage)

MANILA, Philippines — Dalawang araw lamang ang pagitan ng mga phreatic eruption ng Taal Volcano – itong nakaraang Miyerkules at ngayong Biyernes

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang mga eruprtion ay nangyari sa mga oras na ito ng Biyernes ng umaga:

  • 7:03 hangang 7:09
  • 7:17 hangang 7:18
  • 7:52 hanggang 7:54
  • 7:57 hanggang 8:00

Umabot sa taas na hanggang 300 metro ang ibinugang usok ng bulkan at napadpad ito sa direksyon na timog-kanluran.

Base sa inilabas na abiso ng Phivolcs, tumaas sa 2,346 tonelada ang ibinugang asupre ng bulkan.

BASAHIN: Taal Volcano nagbuga ng higit 18,000 tonelada ng volcanic gas

Paliwanag ng ahensiya: ang “weak phreatic activity” ay bunga ng patuloy na pagbuga ng mainit na volcanic gases mula sa main crater ng bulkan at ito ay maari pang masundan.

Nananatiling na nasa Alert Level 1 ang bulkan — nangngahulugan na ito ay nasa “abnormal state” at nanatili ang banta ng pagsabog.

TAGS: Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Taal Vocano, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Taal Vocano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.