METRO MANILA, Philippines — Pinatitiyák ni Sen. Christopher Go sa gobyerno ang tulong-pinansyál sa mga atletang Filipino na sasabak sa papalapít na 2024 Paris Olympics.
Idiniín ni Go na napakahalagá na may pondo ang mga atleta para sa kaniláng pagsasanay at paghahandâ.
Ipinaliwanag pa ni Go, na siyang namumuno sa Senate Committee on Sports, na ang mga atletang Filipino ay hindí lamang makikipagtagisan sa ibat-ibáng mga atletang banyagà kundi magsisilbi din silang “ambassadors” ng Pilipinas kayát nararapat na bigyán sila ng suporta.
Ibinahagi pa ng senador na kinausap na niyá ang Philippine Sports Commission (PSC) at siniguro na maibibigáy ang tulong-pinansyál sa mga atleta bago pa magsimulâ ng Olympics.
May 15 na Filipino ang nag-qualify sa ibat-ibá mga sports sa gaganapíng Olympics, na mula ika-26 ng Hulyo hanggang ika-9 ng Agosto.
Maaaring madagdagán pa ang bilang bago matapos itóng Hunyo.