METRO MANILA, Philippines — Nababawasan na ang naitataláng aktibidád ng Kanlaon Volcano sa Negros Occidental, ayon sa pahayág nitóng Miyerkulés ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa latest bulletin nitó, nakapagtalâ ang Phivolcs ng 53 volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras at nagbugâ ito ng 4,113 tonelada ng asupre.
Ang pagsingáw naman ng usok nitá ay umabót ng dalawáng kilometro ang taás at napapadpád sa direksyon ng timog-timog-kanluran hanggang hilagang-kanluran.
BASAHIN: Mga malapit sa Kanlaon dapat gumamit ng mask, goggles – DOH
Naobserbahan din ang patuloy na pamamagâ ng bulkan.
Nagbabalâ din ang Phivolcs sa pagpasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone at ang malapit na paglipád ng mga eroplano dahil nananatili ang banta ng”phreatic eruption.