Rodrigo Duterte dapat kasama sa Pharmally scandal probe – Hontiveros

PHOTO: Rodrigo Duterte STORY: Rodrigo Duterte dapat kasama sa Pharmally scandal probe - Hontiveros
Dating Pangulong Rodrigo Duterte (Kuha mula sa Facebook page niyá)

METRO MANILA, Philippines —Nais ni Sen. Risa Hontiveros na mapabilang si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga iniimbestigahán ng Office of the Ombudsman kaugnáy sa mga nagíng transaksyón ng gobyerno sa Pharmally Pharmaceutical Corp.

Sinabi itó ni Hontiveros nitóng Martés matapos aminin ni dating Health Secreetary Francisco Duque III sa pagdiníg ng House Committee on Appropriations na ipinag-utos ni Duterte ang paglipat ng P47.6 na bilyong pondo ng DOH sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (DBM) para pambili ng COVID-19 essentials.

Ayon sa senadora, ipinakilala noóng 2017 kay Duterte ni noón ay Special Presidential Adviser na si  Michael Yang ang mga opisyál ng Pharmally noong 2017.

BASAHIN: Sec. Duque, kailangan ng mahusay na abogado sa Pharmally case

Idiniín ni Hontiveros na kailangang mapanagót ang lahát ng mga responsable sa malíng paggamit ng pondo sa kasagsagán ng pandemya.

Unang sinampahán ng kasong katiwalián ng Office of the Ombudsman siná Duque at dating Budget Undersecretary Lloyd Christopher Lao dahil sa paglipat ng naturang pondo ng DOH sa PS-DBM.

Umaasà si Hontiveros na ikukunsideraá ng Office of the Ombudsman ang pagbubunyág ni Duque.

Read more...