METRO MANILA, Philippines — Pinaalahanan ng Department of Health (DOH) ang mga nakatirá malapit sa nag-aalburotong Kanlaon Volcano na magsuót ng mask at safety goggles.
Bukód dito, nagbilin din ang DOH na tiyakín na hindí kontaminado ang inuming tubig at pagkain.
Nagsimulá nang mamahagì ang DOH sa Western Visayas ng mga mask, googles, hygiene kit, at tent sa mga apektadong lugar.
BASAHIN: Kanlaon eruption affects 1,888 individuals in 20 villages – NDRRMC
Ang mga komunidad sa kanlurang bahagì ng bulkán ang unang nag-ulat ng pagbagsak ng abó at amóy ng asupre.
Sa kasalukuyan, nakataás pa rin ang Alert Level 2 sa kapaligirán ng Kanlaon.
Dakong 6:51 p.m. noon Lunes nang sumabog ang bulkán at nagbugá ito ng abó at usok na umabót ang taás sa limang kilometro.