Fil-Chinese trader no-show sa court arraignment, ipina-aaresto

By Jan Escosio June 04, 2024 - 07:42 PM

PHOTO: Gavel stock image STORY: Fil-Chinese trader no-show sa court arraignment, ipina-aaresto
INQUIRER.net stock image

METRO MANILA, Philippines — Ipinag-utos ng isáng korte sa Taguig City ang pag-aresto sa isáng Filipino-Chinese na negosyante dahil sa hindí pagsipót kahapong Lunes sa pagbasa ng sakdál sa kinahaharap niyáng kasong grave coercion.

Naglabas ng warrant of arrest si Judge Allan Ariola, ng Taguig Metropolitan Trial Court Branch 115 laban kay Richard Lim, alias Lin Jin.

Napag-alaman ng Radyo Inquirer na umalís ng bansâ si Lim noóng nakaraáng Sabado, ika-1 ngg Hunyo, kahit alám niyá na babasahan na siyá ng sakdal.

BASAHIN: Naka-away ng aktor na si Awra Briguela hindi iuurong ang mga kaso

BASAHIN: Blogger versus blogger umabot sa demandahan

Kasabáy nitó ang pagtatakdâ ng korte ng P36,000 na piyansa kay Lim.

Pinasasagót namán ang panig ng prosekusyon sa mosyón ng akusado na kumukuestiyón sa desisyon ng Department of Justice (DOJ) na kasuhan siyá ng grave coercion base sa reklamo ng dating kasosyo niyá sa negosyo, isáng Eric Lim.

Ang kaso ay mulâ sa unang reklamo na kidnap for ransom.

Sinabi ng hukóm na kailangan ang paglilitis upang malaman ang buóng katotohanan sa reklamo ni Eric Lim.

Itinakdâ para sa ika-24 Hunyo ang pre-trial at arraignment ni Lim.

TAGS: grave coercion, Taguig Regional Trial Court, grave coercion, Taguig Regional Trial Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.