Blogger versus blogger umabot sa demandahan

June 12, 2023 - 09:42 AM

Sinampahan na ng mga reklamong kriminal ng isang social media influencer ang kanyang dating kasosyo sa negosyo sa lungsod ng San Fernando sa Pampanga.

Sa pamamagitan ng kanyang abogado, inireklamo ng cyber libel at unjust vexation ni Katherine Melendez si Aira Jane  Barredo sa City Prosecutors Office sa naturang lungsod.

Nag-ugat ang mga reklamo sa mga social media posts, partikular na sa Facebook, ni Barredo na paninira kay Melendez.

Sinabi pa ng abogado ni Melendez na itinuturing na rin nilang panlilinlang sa bahagi ni Barredo sa  kanyang “followers” ang social media posts nito.

Ayon naman kay Melendez ang pagsasampa nila ng reklamo ang sa kanilang palagay ang tamang paraan para maisaayos ang isyu.

“Hindi naman po para patulan pa siya. Alam naman po namin, social media influencer po kami ayaw po namin ng negativity and lalong-lalo na hindi naman tino-tolerate yung mga ganung tao,” ani Melendez.

Dagdag pa niya, “Kung puwedeng daanin sa legal, ‘dun tayo sa tamang paraan, Hindi po social media yung way para makipagpatulan o patulan yung tao na yun. Kasi naniniwala kami , kung talagang professional kang tao, may negosyo ka, maayos kang tao, matino kang tao, alam mong saan ka lulugar, alam mo kung ano ang gagawin.”

Samantala, wala pang tugon si Barredo sa aming mensahe sa kanya para sa kanyang panig.

TAGS: Blogger, cyberlibel, social media, Blogger, cyberlibel, social media

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.