Bill na magtataás ng teaching allowance pipirmahán na ni Marcos
METRO MANILA, Philippines — Nakatakdáng pirmahán ngayóng Lunes ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Kabalikat sa Pagtuturò Act.
Ang panukalang batáas, na iniakda ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., ay magpapataás ng teaching allowance ng nga public school teacher mulâ sa kasalukuyang P5,000 hanggáng P10,000.
Noóng nakaraáng Marso inaprubahán sa plenaryo ng Senado ang naturang panukalà.
BASAHIN: Utos ni Marcos kay VP Duterte: Simulán ang mga klase sa Hunyo
BASAHIN: 4 na oras na pagtuturò ng mga gurô ipinanukala ni Gatchalian
Ayon kay Revilla, itó ay muntí lamang na pagkilala sa mga sakripisyo at pagsusumikap ng mga gurô sa paglinang sa kaalamán ng kabataang Filipino.
Dagdág pa ng senador, isinulong niyá ang dagdág allowance dahil na rin sa pagtaás ng presyo ng mga bilihin at nadagdagán pa ang gastusin ng mga gurô sa pagbilí ng personal laptop, internet connection, kuryente, at iba pang pangangailangan para sa blended modality ng pagtuturò.
Sa simulâ nang pagbibigáy ng chalk allowance noong 1988, P100 lamang itó hanggáng sa tumaas sa P5,000 noóng 2021.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.