Utos ni Marcos kay VP Duterte: Simulán ang mga klase sa Hunyo

By Jan Escosio May 22, 2024 - 02:27 PM

PHOTO: Ferdinand Marcos Jr. STORY: Utos ni Marcos kay VP Duterte: Simulan ang mga klase sa Hunyo
President Ferdinand Marcos Jr. (INQUIRER.net file photo)

METRO MANILA, Philippines — Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagsimulá ng school year 2024-25 sa darating na ika-29 ng Hulyo.

Kasunód ito ng pakikipagpulong ni Marcos kay Vice President Sara Duterte, na siyang ring hepe ng Department of Education (DepEd), sa Malacañang hinggil sa planong ibalík ulít ang simulá ng mga klase sa buwán ng Hunyo.

Naglatag si Duterte ng dalawang opsyoón:

  • ang pagkakaroón ng 180 na araw ng klase na may 15 na in-person classes tuwing Sábado
  • ang pagkakaroón ng 165 na araw ng klase at walang in-person classes tuwing Sábado

Parehas na magtatapos ang araw ng mga klase sa dalawang opsyón sa ika-31 ng Marso 2025.

Ngunit sinabi ni Marcos na maaring maapektuhan ang pag-aaral ng mga batà kung 165 araw lang ang klase at ayaw din naman niyang pumasok pa ng klase ng ilang araw ng Sabado ang mga ito.

Kayát ang sinabi niya na tapusin ang SY 2024-25 sa ika-15 ng Abril 2025 para makumpleto ang 180 na araw ng school calendar.

“Habaan lang natin yung school days. Para matagál, dagdagán na lang natin yung school days bastá huwág natin gagalawín yung Saturday. So, school day will remain the same. Standard lang,” bilin ni Marcos kay Duterte.

Ang kasalukuyang SY 2023-24 ay magtatapós na sa ika-31 ng Mayo.

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., Sara Duterte, school opening, Ferdinand Marcos Jr., Sara Duterte, school opening

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.