METRO MANILA, Philippines — Ilán pang mga pábrika ng mga pangunahíng bilihin ang nagpatupád ng voluntary price freeze sa ilán sa kanilang produkto.
Ayon sa pahayág ng Department of Trade and Industry (DTI) nitóng Lunes, napabilang sa mga hindí itataás ng presyo ang tinatawag na “stock-keeping units” o SKUs gaya ng processed milk, processed canned meat, instant noodles, kapé, at condiments.
Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual ang ginawáng hakbang ng mga manufacturer ay pagmamalasakit sa mga konsyumer kasabáy nang pagtaás ng mga bilihin dahil sa epekto ng El Niño.
BASAHIN: Bigás, ibá pang pagkain bumabâ ang presyo – PSA
BASAHIN: SRA binabalak mag-angkat ng asukal para iwas taas-presyo
Sa ngayón, dagdág pa ni Pascual, 31 na SKUs na ang may “price freeze.”
Sa iláng lalawigan at bayan na nasa ilalim ng state of calamity, umiiral ang automatic price freeze sa mga pangunahing pangangailangan ng 60 na araw alinsunod sa Price Act.