METRO MANILA, Philippines — Mababawasan ang presyo ng gasolina at madadagdagán namán ang presyo ng krudo at gaás simula bukas, ika-4 ng Hunyo.
Sa magkakahiwalyáy na pahayág ng ilang kompanyá ng langis, 90 sentimo ang matatapyás sa presyo ng kada litro ng gasolina.
Tataás naman ng 60 séntimo ang halagá ng bawat litro ng krudo at 80 séntimo namán sa kada litro ng gaás.
BASAHIN: Mas mura ang kuryente mula sa nuclear energy – JV Ejercito
Ang paggaláw ng mga presyo ay bunga ng pagkakaiba-ibá sa produksyón ng langis ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC).
Ayon sa Department of Energy, itó ay dahil din sa pagkakaiba-ibá sa pangangailangan sa langís ng maraming bansâ.
MOST READ
LATEST STORIES