600 na pulís mulâ Crame idadagdág sa Metro Manila street patrol

PHOTO: Composite image of PNP headquarters with PNP logo superimposed STORY: 600 pulís mulâ Crame idadagdág sa Metro Manila street patrol
Composite image from INQUIRER.net file photos

METRO MANILA, Philippines — Karagdagang 600 na pulís ang tutulong para sa pagpapatrulya sa mga lansangan sa Metro Manila dahil sa mga insidente ng pamamaríl.

Itó ang ibinahagì nitóng Lunes ni Col. Jean Fajardo, tagapagsalitâ ng Philippine National Police (PNP).

Ang mga pulís ay mulâ sa ibat-ibáng opisina sa Camp Crame, kung saán ang mga itá ay gumagawâ ng mga administratibong trabaho.

BASAHIN: ‘Mercedes Benz killer‘ sa Makati road rage shooting tinutugis na

Paliwanág ni Fajardo, nais pabilisín ni PNP chief na si Gen. Rommel Francisco Marbil ang oras ng pagrespondé ng mga pulís sa mga insidente at naniniwalà raw siyá magagawâ itó kung mas maraming pulís ang mga nasa lansangan.

Sinabi niyá may mga beat patrol officers na umiikot sa mga lansangan at ang iláng lungsod sa Metro Manila ay may bike patrols din.

Ang hakbáng ay kasunód ng road rage shooting nitóng nakaraang linggó sa Makati City na ikinasawî ng isang family driver at ang pagbaríl sa isang opisyal ng Land Transportation Office (LTO) sa Quezon City.

Read more...