‘Mercedes Benz killer‘ sa Makati road rage shooting tinutugis na

By Jan Escosio May 29, 2024 - 02:09 PM

PHOTO: Police line tape stock image STORY: ‘Mercedes Benz killer‘ sa Makati road rage shooting tinutugis na
INQUIRER.net STOCK IMAGE

METRO MANILA, Philippines — Natukoy na ng Makati City Police Station ang may-arì ng itím na Mercedes Benz na nasangkót sa isang road rage shooting kahapóng Martés, ika-28 mg Mayo, sa Ayala Avenue tunnel sa Makati kung saán namatáy ng isang family driver.

Ang sasakyan ay naka-rehistro sa isang residente ng Ohana Place sa Barangay Almanza Uno, Las Piñas City.

Inaalám na rin kung may baríl na nakarehistro sa may-arì ng Mercedes Benz matapos makuha sa pinangyarihan ng krimén ang basyó ng bala mulâ sa isang kalibre .40 na baríl.

Ayón sa mga imbestigasyón ng pulís, nakagitgitan ng Mercedes Benz ang isáng Toyota Innova na minamaneho ng 65 anyos na si Aniceto Mateo ng Ayala Alabang Village, Muntinlupa City,  mga 2:30 p.m.

Nang magkasabáy ang dalaw´ sa sout-bound lane ng Ayala Tunnel, binarií ng sakáy ng Mercedes Benz ang kanang bahagì ng Innova at tinamaan ng bala sa balikat si Mateo.

Nabanggâ pa ni Mateo ang dalawáng motorsiklo bago humintoang kanilang sasakyán, kung saan nakasakay ang kasambahay na si Marites Valmoria at isang pitong taóng gulang na babae.

Namatáy agad si Mateo samantalang humarurot palayô ang Mercedes Benz.

Lumikhâ ng matindíng trapiko na umabót  hanggáng sa Quezon City ang insidente.

TAGS: Makati City Police Station., Makati road rage shooting, Makati City Police Station., Makati road rage shooting

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.