METRO MANILA, Philippines — Hinilíng ni Sen. Sherwin Gatchalian sa Energy Regulation Commission (ERC) na atasan ang mga mga kompanyá ng kuryente na magpatupád ng installment basis sa pagbabayad ng kaniláng mga kustomer.
Ang hirit ni Gatchalian ay bunsód ng biglaang pagtaás ng presyo ng kuryente.
Aniya noóng kasagsagan ng pandemya ng COVID-19, pinalawig ng mga kompanyá ang pagbabayad ng electric bill na waláng multá at interés.
BASAHIN: Meralco tataas singil sa kuryente ngayon buwan ng Mayo
BASAHIN: Mas mura ang kuryente mula sa nuclear energy – JV Ejercito
“Bigyan ng option ang mga consumers natin na magbayad ng staggered payment. Noong pandemic, natatandaean ko, umabot pa nga ng mga two or three months yung staggered payments,” sabi ni Gatchalian.
Base sa obserbasyón ni Gatchalian, may mga konsyumer na naapektuhá ang budget dahil sa biglaang pagtaás ng presyo ng kaniláng kuryente.
Binahagi niyá na may mga konsyumer na tumaaá ng hanggáng 50% ang konsumo sa kuryente dahil sa tag-inít.