Sen. Pacquiao, may sampung panukalang batas agad

 

Inquirer file photo

Hindi pa man lubos na nag-iinit sa bagong puwesto, 10 panukala ang agad inihain ni Sen. Manny Pacquiao.

Bukod sa kanyang tatlong panukala na may kaugnayan sa pagsasabuhay ng death penalty sa bansa, may panukala din si Pacquiao para sa sports, sa mga overseas Filipino workers, sa mga kababaihan, sa barangay at sa mga kabataan.

Nais ni Pacquiao na magkaroon ng community fitness center sa bawat barangay, wireless internet access sa lahat ng state universities and colleges at handbook para sa mga OFWs.

Nais din ng pambansang kamao na mapalawig sa anim na buwan ang maternity leave, muling buhayin ang mandatory military training sa mga senior high school students.

Gayundin ipinanukala ng neophyte senator na bumuo ng Philippine Boxing Commission at madagdagan ang bilang ng mga opisyal ng barangay. /

Read more...