8,400 tropa ng Amerikano, mananatili sa Afghanistan

 

Inquirer file photo

Mananatili ang nasa mahigit 8,000 US troops sa Afghanistan kahit bumaba na sa puwesto si US president Barack Obama.

Sa kanyang pagharap sa White House, inanunsyo ni Obama na patuloy na idedestino ang nasa 8,400 tropa ng Amerikano sa naturang bansa hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino

Gayunman, mababawasan ito ng nasa 1,400 sundalo dahil sa kasalukuyan, umaabot sa 9,800 ang nakadestinog US servicemen sa Aghanistan.

Mas mataas naman ito sa naunang plano na magpanatili lamang ng doon ng 5,500 sundalo.

Paliwanag ni Obama, nananatiling ‘precarious’ ang sitwasyon sa naturang bansa kaya’t mas makabubuting manatili ang presensya ng Amerika doon.

Read more...