Dalawáng araw na pag-ulán sa Luzon asahan simulâ Mayo 29

By Jan Escosio May 29, 2024 - 01:32 PM

PHOTO: Pagasa weather update graphic STORY: Dalawáng araw na pag-ulán sa Luzon asahan simulâ Mayo 29
INQUIRER.net FILE PHOTO

METRO MANILA, Philippines — Simulâ ngayón, ika-29 ng Mayo, hanggang bukas ay maaríng makaranas ng mga pag-ulán at malakás na ihip ng hangin ang Luzon dahil sa southwesterly wind flow, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Magiging malakás ang pag-ulan sa Northern at Central Luzon at sa Mimaropa.

Sa susunod na tatloóg araw namán ay maaring magíng malakás ang bugsô ng hangin sa  Batanes, Ilocos Region, Zambales, Bataan, northern Aurora, southern  Quezon, Polillo Islands, Palawan, Lubang Islands, Romblon, Marinduque, at Camarines Norte.

Magiging malakás namán ang alon sa baybayin ng Batanes.

BASAHIN: Posibleng mas mapinsalà pa ang La Niña kaysa El Niño – DA

Samantalá, patuloy ang paglayô ng bagyóng Aghon na hulíng namataán sa layo 870 km sa silangan ng Hilagang Luzon at inaasahan itóng lumabás ngayóng araw sa Philippine area of responsibility.

TAGS: Pagasa, Philippine weather, rainy season, Pagasa, Philippine weather, rainy season

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.