‘Butchoy’ patuloy na lumalakas, nagbabanta na sa Taiwan

 

Lalo pang lumakas ang bagyong ‘Butchoy’ o ‘Nepartak.

Sa pinakahuling update ng PAGASA, as of 1:00 AM, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 390 kilometro sa silangang bahagi ng Basco, Batanes.

Tinatahak nito ang pa-hilaga kanlurang direksyon tungong bansang Taiwan.

May taglay itong lakas ng hangin na aabot sa 220 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 255 kph.

Bagamat hindi tatama sa lupa ng Pilipinas, itinaas pa rin ang public storm warning signal number 1 sa mga isla ng Batanes, Calayan at Babuyan group of islands.

Read more...