METRO MANILA, Philippines — Karagdagang 5,000 teacher aides ang makakatuwáng ng mga public school teachers matapos aprubahán ng Department of Budget and Management (DBM) ang mga bagong posisyón.
Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na layunin ng hakbang na itó na mabawasan ang mga administratibong trabaho ng mga gurô at makapagbahagì ng dekalidád na edukasyón ang mga itó.
Tiniyák ni Pangandaman na itó ay lubós na makakatulong sa mga gurô at mapapagbuti pa ang sistemang pang-edukasyón ng bansâ.
Ang mga nonteaching positions ay administrative officer II positions na may salary grade 11.
Ang suweldo at benepisyo ng mga itó ay huhugutin sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund ng fiscal year 2024 General Appropriations Act.
MOST READ
LATEST STORIES