DA nakatutok sa presyo ng mga gulay dahil sa bagyó

PHOTO: Vegetables stock photo STORY: DA nakatutok sa presyo ng mga gulay dahil sa bagyó
RADYO INQUIRER FILE PHOTO

METRO MANILA, Philippines — Binabantayán ngayón ng Department of Agriculture (DA) ang mga palengke dahil sa posibleng pagsasamantalá ng mga negosyante at magtaás silá ng presyo ng mga ng gulay.

Diniín ni Agriculture Assistant Secretary Nichols Manalo nitóng Martés na sapát ang dami ng mga gulay sa kabilâ ng pananalasa ng Typhoon Aghon.

“Sa tingin ko, okey pa namán ang suplay sa merkado. Iyon nga lang, ang binabantayán natin iyong mga nagsasamantalá kapág ganitóng panahón,” ániya.

Sinabi niyá na sa Metro Manila, araw-araw ang pagsasagawâ ng DA ng bantáy-presyo sa mga palengke.

BASAHIN: P3 bilyóng halagá ng tulong inihandâ para sa mga biktimá ng Aghon

BASAHIN: Typhoon Aghon bumilís sa paglayó nitó sa Luzon

Dagdág pa ni Manalo, walá pang ulat sa DA ukol sa pagkakaantalà ng mga biyahe ng mga gulay kayát kung may magiging pagtaás ay hindí dapat itó hihigít sa P5.

Napektuhán ng bagyó ang mgá rehiyón ng Calabarzon, Mimaropa, Bicol at Eastern Visayas. Sa kasalukuyan, walá pang impormasyón ang DA ukol sa pinsalang idinulot nitó sa agrikultura.

Read more...