METRO MANILA, Philippines — Nanatilì ang lakás ng Typhoon Aghon ngunit bahagyáng lumakás nitó habang patuloy itóng lumalayô sa Luzon nitóng umaga ng Martés, ika-28 ng Mayo.
Ayon sa 11 a.m. bulletin ng Pagasa, kumikilos na ang bagyó sa bilis na 20 kph sa direksyón na hilaga-silangan.
Kaninang 10 a.m., ang sentro ng bagyó ay namataan sa distansiyang 455 km sa silangan ng Aparri, Cagayan.
Tagláy nitó ang lakás ng hangin na 130 kph at bugsô na aabót sa 160 kph at nararamdamán ito hanggang sa layong 280 km mula sa gitnâ.
Hindí na itó magdudulot ng pag-ulán. Pero dahil sa tinatawag na southwesterly windflow, makakarans ng katamtaman hanggán may kalakasang pag-ulá ang Western Visayas at kanlurang bahagi ng Luzon.
MOST READ
LATEST STORIES