P3 bilyóng halagá ng tulong inihandâ para sa mga biktimá ng Aghon

G Puyat Avenue in Pasay flooded due to Aghon
Isang parte ng G. Puyat Avenue sa Pasay City ang nagbahâ nitóng Lunes, ika-27 ng Mayo ng 2024, dahil sa Typhoon Aghon. —Kuha ni Richard A. Reyes, Philippine Daily Inquirer

METRO MANILA, Philippines — May P3 bilyong halaga ng tulong ang inihandá para sa mga naapektuhan ng Typhoon Aghon, pahayág ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitóng Lunes.

Nakapagpalabás na nga raw ng  P1.2 milyong para sa ibat-ibang urì ng tulong para sa mga naapektuhán.

Sinabi pa Marcos na ang mga tulóng ay “pre-positioned” na sa iba’t ibang lugár para sa mas mabilís na distribusyón kung kakailanganin.

“Asahan nating patuloy ang ating mga ahensiya sa pagsuporta sa bawat komunidád at pagtiyák sa maayos na kalagayan ng ating mga mamamayan,” aniya.

Base sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), may 8,465 pamilya — o katumbas na 19,373 indibiduwal — ang apektado.

Ang mga itó ay nasa 158 na mga barangay sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol, at Eastern Visayas.

Read more...