METRO MANILA, Philippines — Bahagyáng lumihís ang Typhoon Aghon habang patuloy it lumayô sa kalupaán ng Luzon nitong Lunes, ayon sa 5 p.m. na ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Kaninang raw 4 p.m., ang sentro ng bagyo ay namataan sa distansiyang 155 km sa silangan ng Casiguran, Aurora.
Tagláy nitó ang lakas ng hangin na 140 kph malapit sa gitnâ na may bugsô na aabót sa 170 kph.
Patungò itó sa direksyón na silangan-hilagang kanluran sa bilis na 10 kph.
Samantala, ang tagláy nitóng malakás na hangin ay nararamdamán ng hanggáng 250 km mulâ sa gitna.
Nakataás pa rin ang Signal No. 2 sa mga sumusunód na lugar:
- Quirino: Maddela, Nagtipunan, Aglipay
- Nueva Vizcaya: Alfonso Castaneda, Dupax del Sur, at Dupax del Norte
- Isabela: Divilacan, San Mariano, San Guillermo, Jones, Echague, San Agustin, Ilagan City, Benito Soliven, City of Cauayan, Maconacon, Angadanan, Naguilian, Palanan, Dinapigue
- Aurora
- Quezon: General Nakar, Infanta, Real, kasama na ang Polillo Islands,
- Camarines Norte: Vinzons, Paracale, Jose Panganiban, at Capalonga
Posible na lumakás pa itó sa susunod na 24 hanggáng 26 oras at hihina paglabás ng Philippine area of responsibility (PAR) Miyerkules ng hapon o gabí.