Dagdág presyo sa gasolina, krudo, gaás sa ika-28 ng Mayo 28

PHOTO: Fuel pumps STORY: Dagdag presyo sa gasolina, krudo, gaás simulâ Mayo 28
INQUIRER.net FILE PHOTO

METRO MANILA, Philippines — Magpapatupád ng bahagyáng pagtaás sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpaniyá ng langis simulâ Martés, ika-28 ng Mayo.

Ayon sa magkakahiwaláy na pahayág mga kumpaniyá, 40 sentimo ang madadagdag sa kada litro ng gasolina at krudo, samantalang 30 sentimo namán sa gaás.

Itinuturong dahilan sa paggaláw ng presyo ang inanúnsiyong maaring pagbabawás sa produksyon ng langís ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC).

BASAHIN: Mas mura ang kuryente mula sa nuclear energy – JV Ejercito

BASAHIN: “123 Agreement” sa nuclear energy, nilagdaan ng Amerika at Pilipinas

Napa-ulat na sa susunod na buwán iaanunsiyo ang anumáng gagawing hakbang ng OPEC.

Nakapag-ambág din sa paggaláw ng mga presyo ang paghinà ng halagá ng piso kontra sa dolyar ng Amerika.

Read more...