“123 Agreement” sa nuclear energy, nilagdaan ng Amerika at Pilipinas
Nilagdaan na ng Pilipinas at Amerika ang “123 Agreement” o peaceful nuclear energy cooperation.
Naging saksi sa paglagda sa kasunduan nina Energy Secretary Raphael Lotilla at US Secretary of State Anthony Blinken si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa sidelines ng Asia Pacific Economic Cooperation Summit sa San Francisco, California.
Sa ilalim ng kasunduan, papayagan ang mga kompanya sa Amerika na mag-export ng nuclear fuel, reactors, equipment at iba pang specialized nuclear materials sa Pilipinas.
Magkakaroon ng legal framework ang dalawang bansa para sa civil at nuclear-related investments partikular na ang nuclear power.
Sa ngayon, mayroong 23 civil nuclear agreements ang Amerika sa ibang bansa gaya ng Russia, China, Canada, South Korea, the United Kingdom, Japan, Taiwan, Turkey, Ukraine, United Arab Emirates, at Vietnam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.