Veteran director Carlo J. Caparas pumanaw na sa edád na 80
METRO MANILA, Philippines — Sumakabiláng buhay na noong Sabado ng gabí, ika-25 ng Mayo, ang beteranong direktor na si Carlo J. Caparas sa edad na 80.
Unang nalaman ng públiko ang pagkamatáy ng sa Facebook post ng kanyang anák na si Peach Caparas.
“Sa larangan ng komiks siya ang nagharì, nagíng bahagì ng kultura, nagíng yaman ng lahì. Umabót sa lona ng pinilakang tabing, hinangaán, pinalakpakán ng bayang magiting,” ayon sa anak ni Caparas.
“Subalit búhay ay sadyaág may wakás… ‘Pack up na Direk’. Oras na ng uwian,” dagdag pa niya.
BASAHIN: Misis ni Direk Carlo J. Caparas na si Donna Villa, pumanaw na
BASAHIN: Carlo J. Caparas, comic strip creator and film director, dies at 80
Sabi pa nito; “Hayaang kasaysayan ang humusga sa iyóng mga obra. Salamat Direk Carlo J. sa mga dibuhò at istorya. Mga istoryang nabuô sa bawat tipá ng iyong makinilya.”
Isinabuhay sa pelíkula ni Caparas ang mga sinubaybayáng mga kwento sa komiks tulad ng “Ang Panday,” “Bakekang,” “Pietá,” at “Totoy Bató.”
Ang lamay para kay Caparas ay ngayóng Lunes, ikaw-27 ng Mayo, sa Golden Haven Memorial Chapels and Crematorium sa Las Piñas. Tatanggáp ang kanyang pamilya ng mga bulaklák.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.