Misis ni Direk Carlo J. Caparas na si Donna Villa, pumanaw na

By Mariel Cruz January 18, 2017 - 04:22 AM

carlo donna caparasPumanaw na ang asawa ni award-winning director at ‘Komiks King’ Carlo J. Caparas na si Donna Villa sa edad na 57.

Si Donna, na may sakit na cancer, ay isang dating aktres pero mas nakilala dahil sa film production nila ni Caparas na ‘Golden Lion Films’.

Ayon sa ulat, binawian ng buhay si Villa sa UST Hospital kung saan siya naka-confine

Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng iba pang detalye ukol sa pagkamatay ni Villa ang kanyang pamilya.

Nagpaabot naman ng pakikiramay sa social media ang mga kaibigan at kamag-anak ng pumanaw na aktres.

Si Villa ay isinugod sa ospital noong nakaraang January 10 dahil sa kanyang sakit.

Ang pagpanaw ng aktres ay lubhang ikinalungkot ni Caparas at ng kanilang anak na si CJ.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.