Tataás ang presyo ng gasolina at iba pa sa susunod na linggó

By Jan Escosio May 24, 2024 - 02:08 PM

PHOTO: Fuel pumps STORY: Tataás presyo ng gasolina at iba pa sa susunod na linggó
INQUIRER.net FILE PHOTO

METRO MANILA, Philippines — Masusundán pa ang pagtaás ng presyo ng mga produktong petrolyo sa susunód na linggó.

Sa pagtatayâ ng mga kumpaniyá ng langís eto ang puwedeng itaás ng mga produktong petrolyo:

  •  45 hanggang 85 na sentimo kada litro ng gasolina
  • 30 hanggang 70 sentimo kada litro ng krudo
  • 40 hanggang 80 na sentimo sa gaas

BASAHIN: Tax-break para sa electric vehicles suportado sa Kamara

BASAHIN: Pagpapalakas sa industriya ng electric vehicle ipinanukala sa Kamara

Isa sa tinitingnan na dahilan sa panibagong taas-presyo ay dahil sa pagbaba ng halagá ng piso kontra sa dolyár ng Amerika.

Base sa monitoring ng Department of Energy (DOE), simula sa pagpasok ng bagong taon, P7.15 na ang itinaás ng presyo ng gasolina at P4.45 sa diesel at bumaba naman ng P1.35 ang halaga ng kerosene.

TAGS: fuel prices, oil firms, fuel prices, oil firms

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.