Rep. Bienvenido Abante Jr. naghain ng TikTok ban bill

By Jan Escosio May 24, 2024 - 01:34 PM

PHOTO:  Bienvenido Abante Jr. STORY: Rep. Bienvenido Abante Jr. naghain ng TikTok ban bill
Manila Rep. Bienvenido Abante Jr. (Larawan kinuha sa isang YouTube livestream video ng House of Representatives)

METRO MANILA, Philippnes — Naghain ng panukala si Manila Rep. Bienvenido Abante Jr. na ipagbabawal na sa bansa ang social media app na TikTok, na pag-aari ng ByteDance, isang China-based na kumpanya.

Haluhalo ang investors ng ByteDance — 20% galing China mismo, 20% galing sa mga empleyado nito, and at 60% ay galing sa iba’t ibang bansa, kasama na ang libu-libo sa US.

Paliwanag ni Abante nakapaloob sa kanyang House Bill No. 10489 ang pagbibigay ng awtorisasyon sa pangulo ng bansa na ituring ang TikTok na banta sa pambansang seguridad at integridad ng teritoryo ng bansa.

BASAHIN: Pangulong Marcos at Tiktok sanib puwersa para makabenta ang mga maliliit na negosyante

BASAHIN: Pananagutan ng Facebook, YouTube at Tiktok sa ‘fake news’ inirekomenda

BASAHIN: Facebook at TikTok hindi magagamit sa mga hindi rehistradong SIM card

Ayon sa mambabatas nababahalà na siyá  na ang sikat TikTok nanghihingi ng mga sensitibong detalye, na nagagamit ng gobyerno ng China para mang-impluwensiya ng opinyon ng publiko.

Sinabi nitó na maaring gamitin ng China ang TikTok para magpakalat ng mga malíng impormasyón.

Itó aniya ang dahilan kayát ipinagbawal na sa US at India ang TikTok.

Paliwanag pa niyá, ang tunay na layon ng kanyang panukalà ay mapigilan ng gobyerno ang paggamit ng mga apps ng ibang bansâ para pagbantaan ang Pilipinas.

Nakapaloób sa panukala na ang mga lalabag ay maaring mákulong ng anim hanggáng 12 taon at pagmumultahín ng P5 milyon  hanggang P10 milyon.

 

TAGS: Bienvenido Abante Jr., TikTok ban, Bienvenido Abante Jr., TikTok ban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.