METRO MANILA, Philippines — Itinanggi ni Sen. Robinhood Padilla na pakikisama sa itinuturing na “Artista Bloc” sa Senado ang nag-udyok sa kanya para pumirma sa resolusyon na nagpapapaba kay Sen. Juan Miguel Zubiri sa puwesto bilang Senate president.
Ang talagang dahilan, ayon kay Padilla, ay ang pamumuno ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) ang naging dahilan.
Ito rin ang dahilan ng mga kapartido niya na sina Sens. Francis Tolentino, Christoper Go, at Ronald dela Rosa sa pagboto laban kay Zubiri at pag suporta kay Sen. Francis Escudero bilang bagong mamumuno sa Senado.
Paliwanag ni Padilla dapat lamang na mangibabaw ang interes ng partido kayat iisa ang naging boto nilang apat.
Kabilang si Padilla sa Artista Bloc, gayundin sina Sens. Lito Lapid, Jinggoy Estrada, at Ramon “Bong” Revilla Jr.
Si Estrada ang bagong Senate president pro tempore.
Umugonag na usapan na bumoto si Padilla laban kay Zubiri dahil sa hindi nito pumayag na makadalo si Revilla sa mga sesyon sa pamamagitan ng video conference.
Nagpa-opera kasi ng paa si Revilla Jr. at panayuhan ng doktor na limitahan ang mga paggalaw.
Nilinaw din ni Padilla na wala siyang anumang sama ng loob kay Zubiri.