Tubig ng Angat Dam bagsák na sa minimum operating level

PHOTO: Angat Dam STORY: Tubig ng Angat Dam bagsak na sa minimum operating level
Angat Dam (INQUIRER FILE PHOTO)

METRO MANILA, Philippines — Mababa na sa minimum operating level ang nakaimbak na tubig sa Angat Dam ngayong Huwebes, ika-23 ng Hulyo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Hanggang kaninang 6 a.m. nasa 179.68 m ang antas ng tubig sa Angat Dam at ang minimum operating level ay 180.07 m.

Ang mahinang pag-ulan sa lugar ang sinasabing dahilan nang patuloy na pagbaba ng antas sa dam.

BASAHIN: Metro Manila kailangan ng bagong bukál ng tubig – JV Ejercito

BASAHIN: MWSS iimbestigahan bahay na biglang tataas ang gamit ng tubig

Una nang inanunsiyo ng Pagasa na anumang araw ngayong linggo ay babagsak sa minimum operating level ang dam, na pangunahing pinagkukuhanan ng tubig para ng Metro Manila.

Bukod pa dito, diyan din nagmumula ang tubig na pang-irigasyon sa mga taniman sa Bulacan at Pampanga.

Sa bagong tantiyá ng Pagasa, hanggang sa ika-30 ng Hunyo ay maaring bumaba pa ang water level sa 171.38 m.

Sa kalagitnaan ng Hulyo naman ay inaasahan na tataas na muli ito dahil sa pag-ulan dulot ng habagat.

Read more...