Senado inusisa panukalang tree-planting ng graduating students

By Jan Escosio May 22, 2024 - 07:08 PM

PHOTO: Cynthia Villar STORY: Senado inusisa panukalang tree-planting ng graduating students
Si Sen. Cynthia Villar ang namuno sa diskusyon nitong Miyerkules, ika-22 ng Mayo 2025, ukol sa panukalang obligahin na magtanim ng mga puno ang mga high school at college na graduating students. —Kuha ni Jan Escosio ng Radyo Inquirer

METRO MANILA, Philippines —Pinangunahan ni Sen. Cynthia Villar ang pagtalakay sa panukalang mag-oobliga sa mga graduating students ng high school at college na magtanim ng mga puno.

Sa pagdinig ng Committee on Environment and Natural Resources, tinalakay ang Senate Bill Nos. 1538, 2228 at House Bill No. 9588, o ang Graduating Legacy for Reforestation Bill, kung saan gagawing requirement sa graduation ang pagtatanim ng mga puno ng high school at college students.

Tinalakay din ang House Bill No. 9587 o ang Family Tree Planting Bill, na naglalayong gawing mandatory para sa mga magulang na magtanim ng dalawang puno sa bawat kanilang anak.

BASAHIN: Marcos sa PCA: Magtanim ng 100 puno ng niyog

BASAHIN: Gilid ng Manila Bay mamumutiktik sa mga puno ng niyog

Gayundin ang Senate Bill No. 1444 at House Bill No. 8569 kung saan kinakailangan magsumite ng tree planting plan, bilang isa sa mga requirement, sa pagkuha ng building permits.

Ayon kay Villar napakahalaga ng mga naturang panukala bunsod na rin ng nararanasang matinding init ng panahon dahil sa El Nino.

Sandali din ipinaliwanag ng senadora ang magiging benepisyo ng mga panukala sa kalikasan, kalusugan at komunidad, maging sa ekonomiya at edukasyon.

TAGS: cynthia villar, Senate, tree planting, cynthia villar, Senate, tree planting

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.