Hindi lang mga dinurog na dolomite ang ilalagay ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa bahagi ng Manila Bay kundi maging mga puno ng niyog.
Mismong si Environment Sec. Roy Cimatu ang nanguna sa pagtatanim ng mga puno ng niyog at aniya ito ay bahagi ng rehabilitasyon ng Manila Bay.
Paliwanag niya ang pagtatanim ng 60 puno ng niyog ay para sa pagkakaroon ng natural na kagandahan sa look.
Nabatid na ang mga itinanim na mga puno ng niyog ay binili sa Laguna at nagkakahalaga ng P2,500 bawat isa.
Naglaan ang kagawaran ng P389 milyon para pagandahin at linisin ang Manila Bay at ang pagtatabon ng dinurog na dolomite ay umani ng kaliwat kanan na mga batikos sa katuwiran na pagsasayang lang ito ng pondo ng bayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.