Rebelyón: Babaeng lider ng NPA 17 taóng pagkakakulóng ang hatol

PHOTO: Gavel stock image STORY: Rebelyón: Babaeng lider ng NPA 17 taóng pagkakulong ang hatol
INQUIRER.net stock image

METRO MANILA, Philippines — Napatunayang ng isang korte sa Taguig City na may sala sa kasong rebelyón ang isang babaeng pinunò ng Bagong Hukbóng Bayan o New People’s Army (NPA).

Sinentensiyahán ni Judge Marivic C. Vitor ng Branch 266 ng Taguig Regional Trial Court si Ma. Salome Crisostomo, alyás Salome Ujano, ng hanggang 17 taóng pagkakakulóng.

Base sa rekord ng korte, noong Nobyembre 2005, pinangunahan ni Crisostomo ang opensiba laban sa mga puwersa ng gobyerno.

BASAHIN: CPP-NPA-NDF binigyan ng amnestiya ni Pangulong Marcos

BASAHIN: Lacson suportado ang pag-ayaw ng PNP sa ceasefire sa NPA

May mga sundalong nasawî at nasugatan at may mga ari-arian ang napinsalà sa mga serye ng pag-atake ng NPA.

Itinanggí ni Crisostomo ang alegasyón, ngunit mas binigyáng bigát ng hukuman ang positibong pagkilala sa kanyá ng mga nakaligtaá sa mga pag-atake.

Samantala, pinurì ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang Task Force on Counter Terrorism and Terrorism Financing ng Department of Justice dahil sa tagumpáy nito sa kaso.

Read more...