Senate bill sa procurement law amendment lusót sa 3rd reading

PHOTO: Composite image of Senate logo and building facade
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Naaprubahán na sa ikatló at panghulíng na pagbasa sa Senado ang panukalang New Government Procurement Act.

Dalawampu’t tatlong senador ang bumoto pabor sa Senate Bill No. 2593 na sinertipikahan ng Malacañabg na “urgent.”

Nakasaad sa panukalà ang higít na transparency, accountability, at operational efficiency sa paggamit ng pondo ng bayan,

Kapág nagíng batás itong panukalà, magkakaroón ng Electronic Procurement System na magiging daán para mas magíng mabilís ang pagbibigáy ng serbisyo ng gobyerno sa mga mamamayán.

Sa ngayón, tanging ang Philippine Goverment Electronic Procurement System (PhilGEPS) ang napapakuhanan ng mga impormasyón ukol sa paggamit ng mga ahensiya ng kaniláng pondo, gaya ng pagbilí ng mga kagamitan, pagkasa ng mga proyektong pang-imprastraktura, at iba pa.

Read more...