Hamon sa China: 3rd-party inspection sa Panatag Shoal

By Jan Escosio May 21, 2024 - 06:37 PM

PHOTO: Panatag Shoal viewed from drone STORY: Hamon sa China: 3rd-party inspection sa Panatag Shoal
Ito ang itsura ng Panatag Shoal mula sa isang drone. –Ito ay kuha noong March 22, 2020, ni Rem Zamora ng Philippine Daily Inquirer)

METRO MANILA, Philippines — Nagbato ng hamon si Assistant Director General Jonathan Malaya ng National Security Council sa China: Pumayag ito sa third-party international inspection ng Panatag Shoal — na kilala rin bilang Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.

Ang pagsisiyasat ay para makita kung may katotohanan nga na nawasak ng China ang yamang dagat sa paligid nito.

Sinabi ni Malaya na ang inspectors ay maaring magmula sa anumang ahensiya na nasa ilalim ng pangangasiwa ng United Nations o kilalang environental na grupo.

BASAHIN: Pilipinas ipoprotesta ang paghakot ng China ng ‘giant clams’ sa Panatag Shoal

BASAHIN: Paniningil ng danyos sa China dahil sa pagsira sa WPS inihirit uli ni Hontiveros

Una nang itinanggi ng Chinese Foreign Ministry ang mga ulat nang pagkasira na ng mga yamang-dagat sa Panatag base sa mga ebidensiya na isinapubliko ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon kay Malaya, simula noong 2016, umaani ang mga mangingisdang Chinese ng mga higanteng taklobo, sea turtles, stingrays, puffer fishes at iba pa.

Idiniin pa niya na ang walang karapatan ang China sa Panatag base sa naging desisyon ng Permanent Court of Arbitration noong 2016.

 

 

TAGS: Panatag shoal, PH-China relations, Panatag shoal, PH-China relations

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.